Warning:

Migraine-inducing-posts due to poor english (grammar, spelling, etc.). You've been warned.

Saturday, April 11, 1992

Sulat

at 8:13 PM
Lord Jesus,

Sumulat po ako kina Mama at Dad na sa Paco na lang kami magbakasyon, sana po payagan po kami o, please, please, ayoko na po dito e, wag nyo na po sana hintayin na magkaroon ako ng matinding hinanakit sa iba o, ganitong nagsisimula na ang sama ng loob ko sa kanila.

Please Lord Please
payagan na po
sana kami, o!

LoveLots,
YourDaughter,
MJ.

Sumosobra na

at 1:06 PM
Dearest Diary,

Sumosobra na talaga si Lola nakakainis na. Hindi daw kami tumutulong sa bahay, e ano kaya yung ginagawa kong paglilinis ng bahay, paghuhugas ng plato at iba pang gawain dito. Tapos sabi pa niya ako na lang daw ang maglaba, mamalantsa ng mga damit namin, ang magsalok ng tubig sa drum para sa aming magkakapatid, isang drum lang sa aming tatlo. Tapos kaninang 12.30pm. e akala ko kasalo kami nina O. at A. sa ulam sa tanghalian yun pala hindi, so nag tuna na lang kaming magkakapatid, may natira pa kami para mamayang hapon.

Yung iba pang nangyayari dito ay alam na nina mommy at daddy. Til here na lang friend, ipagdasal mong humaba ang pasensya ko, please.

LoveLots,
MJ.

Lord,

help me to be more Patience.

daughter,
MJ.
 

Memories Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review